FILIPINO-HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Jun 7, 2025. 6a.m
Catholic Mass Today Live (CMTL)
@catholicmasstodayliveAbout
Welcome to Catholic Mass Today Live (CMTL). Your daily source of inspiration, healing & blessings. Our channel’s roots come from the Gospel of Mark 16:15 New Century Version - Jesus said to his followers, “Go everywhere in the world, and tell the Good News to everyone. In this modern day of social media & advance technology what better way to spread the good news of the Lord than through digital platform. As media partners our aim is to give coverage of daily and Sunday masses online to reach all Catholics globally to praise, give thanksgiving & seek penance to the Lord. CMTL also means Cultivate daily practices of worship through Liturgical services Motivate everyone to do good and be kind through Acts of Charity Transform our lives into positivity and meaningful well being through Catechism Love - to Love everyone through inspirational Homilies Please support our channel CMTL with our noble goal to share daily mass to all. Thank you and God bless everyone.
Video Description
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (K) June 07, 2025 Sabado sa Ika-7 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Seventh Week of Easter || Healing Saturday Mass UNANG PAGBASA Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Pagdating namin sa Roma, si Pablo’y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan kasama ang isang kawal na pinakatanod niya. Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ang mga pangunahing Judio sa lungsod. Nang magkatipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, bagamat wala akong ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at isinakdal sa kinatawan ng pamahalaang Romano. Matapos akong litisin, ako sana’y palalayain na sapagkat wala naman akong ginawa na dapat parusahan ng kamatayan. Ngunit tumutol ang mga Judio, kaya’t napilitan akong dumulog sa Emperador, bagamat wala akong sakdal laban sa ating mga kababayan. Nagagapos ako ng tanikalang ito dahil kay Hesus, ang pag-asa ng Israel. Iyan ang dahilan kung bakit hiniling kong makausap kayo.” Humigit-kumulang sa dalawang taong nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinanggap niya ang lahat ng nagsadya sa kanya. Hayagan at walang sagabal na nangangaral siya tungkol sa paghahari ng Diyos at sa Panginoong Hesukristo. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 10, 4. 5 at 7 Poon, ang mga mabuti ay kapiling mo parati. o kaya: Aleluya! Ang Panginoong Diyos ay matatagpuan sa banal na templo, at doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono; at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao, walang maliligid anuman ang gawin ng lahat ng ito. Poon, ang mga mabuti ay kapiling mo parati. Lahat ng mabuti pati ang masama ay sinisiyasat, namumuhing lubos siya sa suwail na wala nang batas. Ang Poon ay tapat, sa gawang mabuti siya’y nalulugod at sa piling niya, mabubuhay silang sa kanya’y sumunod. Poon, ang mga mabuti ay kapiling mo parati. ALELUYA Juan 16, 7. 13 Aleluya! Aleluya! Espiritung isusugo totoo ang ituturo, pangako ni Kristong Guro. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 21, 20-25 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Noong panahong iyon, lumingon si Pedro at nakita niyang sumusunod ang alagad na minamahal ni Hesus – yaong humilig sa dibdib ni Hesus nang sila’y naghahapunan at nagtanong, “Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?” Nang makita siya ni Pedro, tinanong nito si Hesus, “Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito?” Sumagot si Hesus, Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!” Kumalat sa mga kapatid ang balitang hindi mamamatay ang alagad na ito, bagamat hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay, kundi, “Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo?” Ito nga ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat ng mga ito, at alam naming tunay ang kanyang patotoo. At marami pang ginawa si Hesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas
Prayer Essentials for Your Spiritual Journey
AI-recommended products based on this video

Kotagi Personalized Wedding Anniversary Metal Signs | Custom Name Metal Sign | 50th 60th 40th 30th 25th or Any Year Metal Sign Wedding Gift | Metal Wall Art | Anniversary Gift for Couple Parents

Dyoart Personalized Camping Signs | Custom Metal Sign | Custom Mountain Campfire Sign | Custom Signs Outdoor Metal | Family Name Sign | Personalized Campfire Name Sign | Metal Wall Art | Camping Signs

PERLESMITH TV Wall Mount Full Motion Swivel Dual Articulating Arm for Most 37-82 inch LED, LCD, OLED, Plasma TVs up to VESA 600x400mm, 132lbs

Swarovski Idyllia Pendant Necklace, Heart Pendant with Clear Round-Cut Stone and Clear Round Crystals in a Rhodium-Finished Setting, Part of the Swarovski Idyllia Collection

Desnuage Double Heart Necklace Sterling Silver Cubic Zirconia Cute Dainty Love Pendant Heart Necklace for women

DLseego Pink Love Leopard Carrying Case for Switch, Cute Silicone Protective Case Soft Cover with 4PCS Thumb Grip Caps and Pink Plush Heart Pendant Hard Storage Case Accessories Kit Bundle for Girls




